mejo nakakarelate ako sa sitwasyon mo ngayon ah. hehe. wala lang. I know the feeling. I've been through your situation and I can feel that I'm currently into something like that right now and it's very hard, actually napakahirap. minsan gusto mo na bumigay pero kinakaya pa rin. aw ang EMO pala. hahaha.
hindi ko man alam kung anong side mo pero sa palagay ko naiintindihan kita. wala man akong alam sa nararanasan mo ngayon, pero payo ko lang sa'yo, wala mang nakakaintindi sa'yo, nagkakamali ka, anjan lagi si GOD handang buhatin ka sa sandaling ikaw ay bumagsak, handang damayan ka sa oras nang pangangailangan at handang akayin ka sa panahon na ikaw ay hirap na hirap na. Isa pa, always continue to attend bible studies cause it will greatly help you. and also don't forget that God is always there for you, just trust Him and always pray, and everything will be just fine.
Marahil, wala na ngang nakakaintindi sa'yo, sabihin na nating naiintindihan kita kahit papaano, sabi nga birs of the same feathers flock together, pero darating ang panahon na may isang taong kahit di mo kilala at estranghero sa iyo ay para bang matagal na kayong magkakilala at ang pagintindi sa iyo ay parang tulad ng Diyos, at marahil ito ay sugo ni God para maging isa sa mga kaibigan mo na TUNAY at kailanman ay hindi ka pagiisipan ng masama at di ka iiwan. Marahil anjan lang siya sa tabi-tabi di mo lang napapansin o di kaya'y darating pa lamang siya. hehe :)
Sa panahon ngayon, tama ka, mahirap nga magtiwala, ngunit wag mo namang ilimit ang sarili mo, kahit papaano ay maging bukas ka sa mga taong sa tingin mo ay hindi ka bibiguin. At sa oras na biguin ka ng mga taong ito, hayaan mo nalamang sila, may nararapat na consequences para sa kanila ang Diyos. Ipagdasal mo na lamang ito at lagi kang magtiwala.
Mahirap talaga magpakatao pero maging tao parang chicken lang yan. Sa unang tingin kala mo anghel, pero pag talikod mo naman, poncio pilato pala. hehe. ganon talaga. masanay ka na.
Bakit nga pa ganoon, tinuringan pang mga kawangis tayo ni Hesus, pero mismong tayong mga tao dinudungisan ang linyang iyon. Isa lang masasabi ko, hindi si Hesus ang may kasalanan noon, kundi tayo ring mga tao, masyado tayong marunong at mayabang, ang akala natin kaya na natin ang lahat dahil sabi nga tayo ang superior at pinakamataas na nilalang na nilikha ng Diyos. Tama nga pero ang hindi natin isinasaisip ay lahat may hangganan at mas may nakakataas pa sa atin at eto ay ang lumikha sa atin.
kung minsan masarap mangarap na sana dumating ang pagkakataon na mapunta tayo sa isang paraiso na walang kaguluhan, subalit puro katahimikan at matiwasay ang kapaligiran. Naroroon lahat ang kabutihan at nananatili ang kapayapaan. Subalit malabo itong mangyari. Kung hindi matututo tayong mga tao nang tamang paraan ng pamumuhay, napakalabo na mangyari ang ganitong mundo. Kung patuloy tayo sa ganitong pamumuhay, gulo at karahasan ang ating masasaksihan, pati ang mga kinabukasan ng henerasyon ay naglaho na dahil sa impluwensya ng mundo. Kung minsan naman gusto na nating matulog ng mahimbing at kailanma'y huwag nang magising, subalit hindi rin magawa sa dami ng mga rason. Totoo nga namang napakahirap ang mabuhay sa ibabaw ng mundo.
Hayaan nalang natin darating ang panahon, mararanasan rin natin ang paraiso na para sa atin, ang lugar kung saan nasasa tabi nating ang lumikha at mamumuhay tayo ng walang hanggang kasiyahan at katahimikan. Panahon at pagkakataon lang makapagsasabi kung kailan ito mangyayari. At si Hesus lang ang may kapangyarihan na mangyari ito.
Huwag tayong masyado kabahan sa ating kapalaran, kahit na kung minsan kapalaran ang nagsasabi sa atin kung anong dapat nating gawin. Samakatuwid nasa mga kamay pa rin natin ang ating kapalaran, ang ating kinabukasan, nariyan lang si Hesus upang tayo'y gabayan. Hawak natin ang ating kapalaran kung kaya ingatan natin ito ng mabuti at laging ipasaDiyos ang mga ito.
Magtiwala ka lamang at sa huli makakamit mo ang nais mo.
Darating ang panahon, Kahit papaano, May isang tao, na lubusan kang MAIINTINDIHAN!
"someday somehow someone will understand"
No comments:
Post a Comment